Ipagtanggol ang Dios
Umagaw sa atensyon ng isang guro ang nakita niyang nakadikit sa harapan ng isang sasakyan. Makikita kasi doon na hindi naniniwala ang may-ari ng sasakyan na may Dios. Iniisip ng guro na nais ng may-ari ng sasakyan na galitin ang mga taong sumasampalataya kay Jesus kapag nakita nila iyon. Alam iyon ng guro kasi ganoon din siya dati.
Naalala naman ng…
Paghawak
Nagkaroon ng pagkakataon si Kiley na makasama sa pagmimisyon sa bansang Africa para gamutin ang mga may sakit. Nag-aalala siya dahil wala naman siyang alam sa panggagamot. Pero alam niyang makakatulong pa rin ang simpleng pag-aalaga sa mga may sakit.
Habang nandoon, nakilala niya ang isang babae na may malalang sakit pero magagamot naman. Kahit na pinipigilan ng babae na lumapit…
Ang Pagbibigay
Hinamon ng isang pastor ang kapulungan ng mga nagtitiwala kay Jesus tungkol sa pagbibigay at pagtulong. Sinabi ng pastor, “Ano kaya ang mangyayari kung ang ating mga damit panlamig ay ibibigay natin sa higit na nangangailangan nito?” Pagkatapos niyang sabihin iyon, tinanggal niya ang kanyang damit na panlamig at inilagay sa isang lagayan sa harap ng kanilang simbahan. Marami ang gumaya…
Dios-diosan
Hinihintay naming mabautismuhan si Kossi na taga Africa. Nagtitiwala siya at ang kanyang pamilya kay Jesus. Habang naghihintay, nakita naming kinuha ni Kossi ang isang lumang rebulto na gawa sa kahoy. Matagal na nilang sinasamba ang rebultong iyon. Pero inihagis niya ito sa apoy at pinagmasdan habang natutupok ng apoy. Hindi na nila kailangan pang mag-alay muli ng mga manok na…
Ang mga Litrato
Ipinagmamalaking ipinakita ng matandang babae sa kanyang mga kaibigan ang dalawang litratong hawak niya. Makikita sa unang litrato ang kanyang anak na babae. Ang sumunod naman ay litrato ng bagong silang niyang apo. Anak ito nang nasa unang litrato. Namatay siya noong ipinapanganak niya ang sanggol.
Nilapitan naman ang matanda ng kaibigan niya at tiningnan ang mga litrato. Pagkatapos, naluluha niyang…